Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Sunday, November 1, 2015

Alden, Bukas Sa Posibilidad Na Magkatuluyan Sila Ni Maine


Matapos aminin na lalo silang naging close ni Maine "Yaya Dub" Mendoza matapos ang "Sa Tamang Panahon" show ng Eat Bulaga, sinabi naman ngayon ni Alden Richards na hindi niya inaalis ang posibilidad na mauwi sa totohanan ang pagtitinginan nila ng dalaga sa kalyerserye.

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng Kapuso heartthrob na lalo niyang nakikilala ngayon si Maine dahil pinayagan na silang makapag-usap.

Ayon kay Alden, mas palagay na ang loob nila ni Maine at madalas nilang pag-usapan ang mga personal na bagay para makilala nang mabuti ang isa't isa.

"As in getting to know, ano ba ang favorite na ganito ko? Like friends. Ang nakakatuwa kasi para akong ini-interview sa slambook parang ganoon, na-e-enjoy ko yung every moment after 'Tamang Panahon,'" anang binata.

Kasabay ng sweetness nila sa kalyeserye bilang love team, nagiging totoong magkaibigan daw sila ni Maine sa tunay na buhay.

Ang maganda pa raw, walang nagpi-pressure sa kanila na totohananin ang lahat, at sa halip ay ini-enjoy nila ang bawat sandali.

Pero sa totoo lang umano, lahat naman daw ay mayroon posibilidad.

"Hindi ko po sinasarahan yung pinto ko po sa chance na madevelop o magkaroon ng something serious out of that. Will see po," ani Alden.

Sa hiwalay na taped interview ng CelebriTV, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit naging mahigpit ang sakap niya kay Maine sa "Tamang Panahon"  show.

Ayon kay Alden, dala iyon ng labis na pasasalamat niya kay Maine dahil sa hindi siya pinabayaan nito at dahil sa pagtutulungan nila.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...