Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Saturday, October 31, 2015

Alden, Mistulang Nag-Propose Kay Maine Sa Kalyeserye


Gaya ng pangako ni Alden, sinamahan niya si Maine aka Yaya Dub, at sina lola Nidora, Tidora at Tinidora para puntahan ang lumang bahay ng kanilang lola. Pakay nilang makita ang jewelry box na naglalaman ng mensahe at singsing na magiging daan sa forever ng AlDub. Sa labas pa lang, halos hindi na mapaghiwalay sina Alden at Maine, at nahuli pang magkayakap sa loob ng bahay nang mamatay ang ilaw. Nagpasalin-salin din kina Alden, Yaya Dub at mga lola ang kaluluwa ng lola ng mga lola. Sa huli, nakita nila ang jewelry box at kaagad na lumabas ang grupo. Habang binabasa ni Alden ang mensahe na nasa loob ng jewelry box, kitang-kita ang mga pagsulyap ni Maine sa binata., at nagpapa-"menggay" pa Kaya naman dapat subaybayan sa susunod na linggo kung maisusuot ni Maine ang singsing, o kung may magiging hadlang pa sa tinatawag na "road to forever" para sa AlDub.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...