Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Friday, November 6, 2015

Eat Bulaga, Inaabangan na Sa America

Bidang-bida ang kalyeserye stars ng Eat Bulaga sa kinunan na Christmas Station ID ng GMA-7 kamakailan. Magkakasama sa isang shoot sina Pambansang Bae Alden Richards, Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub at ang tatlong lola na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo).

Kinunan nga sina Alden at Maine na parang sina Joseph and Mary samantalang ang tatlong lola ay tila mga Three Kings.

Magkasama rin silang lima sa umeere ngayon na McDonald’s TV commercial.

Naging usap-usapan nga sa kanilang station ID shoot ang nakakatuwang video na lumabas sa BuzzFeed tungkol sa AlDub loveteam.

Sa naturang two-minute video, pinag-usapan ng mga Americans ang tinagurian ngayong “global phenomenon” na #AlDub at pati na ang Eat Bulaga.

Pagkatapos ngang matalakay ang AlDub sa CNN, BBC at Bloomberg, heto at pati BuzzFeed ay nahawa na rin sa AlDub Fever.

“This show is electric! I don’t know what the f*ck is going on but it’s just like a whirlwind of fun sh*t!” ayon pa sa Kano na mukhang tuwang-tuwa at manghang-mangha sa kalyeserye.

Tinalakay nga nila kung ano ang ibig sabihin ng “pabebe”.

At ginaya nga ng isang American girl ang pagpabebe wave ni Yaya Dub at pati na ang facial expressions nito kapag nagda-dubsmash.

Pati ang pag-pronounce nila ng Eat Bulaga ay Eat Balooga. Akala ng isa na ang meaning ng Bulaga ay isang “cute whale”.

Sa ending ng video, sinabi ng Kano ay: “Say goodbye to your ‘Desperate Housewives’, ‘Parks and Recreations’. Throw that sh*t out.

‘Eat Bulaga’ is coming to the States.”

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...