Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Tuesday, November 3, 2015

Nang-hack sa account ni Yaya Dub wanted sa AlDub fans

GALIT na galit ang napakaraming fans nina Alden Richards at Maine Mendoza matapos makarating sa kanila ang balita na na-hack ang Twitter account ni Yaya Dub kaninang madaling-araw.
Nagulat ang milyun-milyong followers ni Maine nang mabasa ang ilang kahina-hinalang posts sa account ng dalaga tulad ng, “#AnonPH #Anonymous #MillionMaskMarch #MMM2k15!”
Dito na nagsimula ang pagkaimbiyerna ng AlDub nation kaya agad kumilos ang ilan sa kanila para ma-locate kung sino ang posibleng nang-hack sa account ni Yaya Dub.
Ilang sandali lang ay nag-post uli sa account ni Maine ang hacker at nagpakilalang siya si “Anonymous Philippines”.
Sinundan pa ito ng isa pang post nagsasabing: “Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari…!”
Habang isinusulat namin ito ay hindi pa naibabalik ang tunay na account ni Maine kaya nanawagan ang ilang AlDub followers na ibalik na ng hacker ang real Twitter account ng ka-loveteam ni Alden Richards.
May nag-comment namang netizens na tila tumugma sa hashtag ng Eat Bulaga ngayong araw na #ALDUBTheVisitor ang pangha-hack sa Twitter account ni Maine. Sey naman ng isa pang AlDub fan, dapat managot ang taong nasa likod ng pangha-hack sa account ni Yaya Dub. Isang krimen daw na maituturing ang ginawa nito.
Isa lamang si Maine sa mga sikat na celebrities na nabiktima ng mga hacker sa social media, at hindi na ito nakapagtataka dahil isa nga siya sa itinuturing na fastest-growing Twitter accounts sa buong mundo, kung saan ka-level niya ang mga Hollywood superstar na sina Taylor Swift, Katy Perry at Ellen DeGeneres. Meron nang mahigit 2.4 million followers sa Twitter si Yaya dub.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...