Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Thursday, October 29, 2015

BBC News ginulat din ng AlDub; Tinawag Na Global At Social Media Phenomenon

TULOY-tuloy talaga ang pagpapakalat ng  good vibes at kilig nina Alden at Yaya sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil araw-araw ngang top trending topic worldwide ang mga AlDub hashtags, hindi na rin nakatiis at naibalita na rin ito sa mga international news websites.
Isa na nga riyan ang website ng BBC News, ang bbc.com na siyang public-service broadcaster ng United Kingdom (counterpart ng CNN sa US), kung saan tinagurian nitong global phenomenon ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang writer na si Heather Chen ang sumulat ng artikulong “AlDub: A social media phenomenon about love and lip-synching,” kung saan inisa-isa ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang AlDub loveteam at kung bakit naging global phenomenon ang kalyeserye.
“And it isn’t just the local fans. US politicians and even alternative rock bands, have declared their love for the show and its young stars,” sabi pa sa artikulo.
Bukod dito, tinalakay din sa nasabing artikulo ang pagiging third fastest-growing celebrity sa Twitter ni Maine, “after US singers Taylor Swift and Katy Perry.”
Pati ang Pinoy BBC presenter na si Rico Hizon ay self-confessed AlDub fan, “They appear very down-to-earth. I believe that one big reason they are so popular is because the actors are very humble despite their massive success—they keep thanking fans as well as everyone who supports their work.”

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...