Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Monday, November 2, 2015

Basher ng AlDub naghamon; pinagtulungan ng mga Dabarkads


NAGULAT kami dahil may isang guy na sobrang tapang sa Facebook.

Wala siyang pakialam kung i-bash man siya ng AlDub fans dahil sa kanyang mga message and videos against Alden Richards and Maine Mendoza.
In his latest message, he said this:
“Move on na kayu mga ateng oi! Kahit e bash at tawagin nio man akong bakla, pa-ngit, mahirap, dugyot or kahit ano mas lalo nio lang akung pinapasaya at pinapatawa at mas lalo ko ring na assess at nang mga readers kung gaano kayo kabastos.” “Palibhasa fake accounts kaya matapang maka comment no wonder anrami niong fake tweets at di kayo uubra sa Facebook oi kasi walang re-tweet dito dun kayo sa twitter oi. Yung anlakas man lait peru tingin din sa salamin pag may time ahh!

“Kasi denidiscribe nio lang sarili nio sakin at yung tumatawag na bakla echooss ka beks napakareyna mo! ?#?Kalyeserye mga ugaling kalye. Abot langit ang tawa ko sa inyo for real lang, kaya pala naging baby face ako nowadays.

Walang wala din akong pake kung atakihin kayo sa galit. “Ok totoo sikat kayu mas sikat nga kayo keysa sa araw ehh hiyang hiya na nga ang araw sa inyo! Tanung ko lang, nagra-rally na nga sa labas ang mga staff nio kasi wala pa silang sahud tas mag dodonate pa kayo sa kinita nio?

“Sa Tamang panahon, ma rerealize nio din may point lahat nang post ko at di nio maalis na totoo yun!”
Ang tapang ng guy dahil nag-comment pa siya ng kung anu-ano laban sa show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Wala naman daw bonggang production number ang noontime show. Binash nang husto ang Aldub hater. Talagang pinakain siya ng masasakit na salita. Kinuyog siya sa social media. Kilala n’yo naman kung gaano katatapang ang mga fans nina Alden at Maine.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...