Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Wednesday, October 28, 2015

Alden Richards, Pinangangambahang Pagsawaan!


May mga nagsa-suggest na bawasan ang mga mall shows ni Alden Richards at baka daw pagsawaan ng mga fans. 
Hindi naman siguro at may fan base na siya, Mga natanguan ng pro­jects iyon noon pa man at mala­ki ang nagawa ng mga shows na iyon at platinum na ang second album niya sa dami ng bumibili. Pero patapos na daw ito at ang shooting naman ang haharapin at mga TVC.  Punung-puno ang schedule ni Alden pero may curfew pala ang sked niya. Hanggang 10 PM lang at para mahaba ang pamamahinga niya.Hindi naman umaa­ngal ang Pambansang Bae at energy niya yata ang makasalamuha ang maraming tao.Noong inggo ay wa­lang makaistorbo kay Alden sa isang sulok ng studio 7 kung saan idinaraos ang Sunday PinaSaya. May kausap daw ito ng matagal sa telepono. Hindi kaya si Maine Mendoza na bumulaga as caller sa DJ portion ng programa na ikinakilig ng lahat. Baka nga.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...