Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Sunday, November 1, 2015

Alden mas lumalim ang pagkakilala kay Maine: Totoo siyang tao, hindi siya fake!

INAMIN ni Alden Richards na mas lumalim pa ngayon ang relasyon nila ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub simula nang magkita at magkausap nang matagal sa Tamang Panahon Fans Day ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Ayon sa Pambansang Bae mas marami silang oras ngayon para mas makilala ang isa’t isa dahil sa kaliwa’t kanang proyektong ginagawa nila nang magkasama.

Matapos mabigyan ng pagkakataon sina Alden at Yaya Dub na muling magkita sa Philippine Arena na may bonus pang yakapan at iyakan, nagsunud-sunod na ang kanilang pagkikita nang personal lalo na ngayong nagsimula na ang pictorial at shooting ng kanilang 2015 MMFF entry na “My Bebe Love” kasama sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

Bukod pa riyan, halos araw-araw na rin silang magkasama ni Maine sa Eat Bulaga, ang huli nga ay sa 15th weeksary nila sa Kalyeserye at sa Holloween episode ng noontime show kahapon.

Sa isang showbiz event, natanong si Alden kung kumusta na sila ni Maine? “Nagkakausap na po kami. And I’m starting to get to know her more and, I think, it’s gonna be…masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, e.

Hindi fake. Hindi siya showbiz. “Siguro, that’s what’s lacking in our industry now, yung mga tao na hindi masyadong showbiz. So, si Maine, hindi siya ganun. Kaya I always look forward to working with her,” pahayag ng binata.

Hirit pa ni Alden, nu’ng Biyernes na sila nagsimulang mag-shoot ni Yaya Dub para sa kanilang MMFF entry at looking forward siya sa mga kuwela at nakakatuwang eksena nila ni Maine.

Samantala, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagsi-sink in kay Alden ang tinamong tagumpay ng “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga na nangwasak sa ilang world record.

“Kasi po, pagpasok ko po ng Arena, nakatalikod po ako, e…kasi, kung nakita niyo po, galing po ako sa entrance, so naririnig ko lang po ang sigawan ng tao. “The moment po na humarap na ako, puno yung first, second chairs ng Arena…na parang, ’Totoo ba ‘to?

Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?’ “So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena.

Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki. Ipinagpapasalamat ko na lang po talaga sa Diyos ang lahat ng dumarating,” pagtatapos ng Kapuso superstar.

Kahapon naman sa pagpapatuloy ng kalyeserye, halos mahimatay na naman sa sobrang kilig ang viewers dahil sa mga eksena kung saan tila nagpo-propose na si Alden kay Yaya Dub.

Nagtagumpay ang AlDub kasama sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa pagkuha sa jewelry box na nasa bahay ng kanilang lola na matagal nang patay.

Holloween special ito ng kalyeserye kaya may halong katatakutan at kababalaghan. Pinasok ng tatlong lola at nina Yaya at Alden ang loob ng sinasabing haunted house para hanapin ang mahiwagang jewelry box tulad ng nakasulat sa diary ni Lola Nidora.

Habang nasa loob ng bahay, sinaniban sila isa’t isa ng mga ligaw na kaluluwa. At dahil sa ipinakitang katapangan ng lahat, nagawa pa rin nilang ipagpatuloy ang paghahanap sa jewelry box na hindi nagtagal ay nakuha rin ni Alden.

Paglabas ng haunted house binuksan ang jewelry box at doon natagpuan ang isang sulat. Nakasaad dito na kung sino ang nakakita at may hawak ng sulat na iyon, siya rin ang magmamay-ari ng singsing na naroon din sa jewelry box.

Kailangan daw ibigay ang singsing na iyon sa taong nais niyang pag-alayan ng wagas na pag-ibig.
Kinuha ni Alden ang singsing at lumuhod sa harap ni Maine. Ibibigay na sana niya ang ring kay Yaya ngunit tumunog na ang mahiwagang busina.

Matuloy kaya ang pagbibigay ni Alden ng singsing kay Yaya? O bigla na namang may haharang at magkokontrabida? Yan ang abangan sa Lunes.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...