2015 is indeed a big year for Alden Richards. With a string of TV shows, a new chart-topping single and a swarm of product endorsements under his belt, one could really say that the Pambansang Bae is now the hottest male celebrity in the country today.
Sa nakaraang Winter-Christmas themed launch for oral glutathione brand Snowcaps, ang latest endorsement ni Alden, nagdetalye ang Kapuso heartthrob about his struggle during his early years as an actor.
“It’s no secret the challenges I had to go through to get this point. Maraming pagsubok early on in my career pero ngayon, napatunayan ko talaga na hard work pays off. I can definitely say na dumating na talaga ang moment ko,” ani Alden.
Malaki ang dapat niyang ipagpasalamat sa noontime show na Eat Bulaga lalo na sa kalyeserye ng programa dahil dito nga nag-start ang panibagong yugto ng kanyang personal na buhay at ng kanyang career.
He added that his past experiences help him keep his feet on the ground and he has no problem showing it with his tearful EB performances. “I just can’t help but get overwhelmed by the love and support I am getting from my network, the ALDENatics and of course my friends in the industry.
Thinking about these really makes me emotional kasi matagal-tagal ko rin itong hinintay,” he adds.
Marami naman ang natuwa kay Alden dahil sa gitna ng marami niyang product endorsements, pati pampaputi ay tinanggap na rin niya.
Hindi pa raw ba siya kuntento sa kaputian niya? Baka maging labanos na siya sa kaputian. What a metrosexual indeed, right? Ha-hahaha! Nasanay na kasi ang lahat na ang mahilig lang magpaputi ay mga babae – pati pala si Alden.
“In Alden’s case, it’s just an endorsement, sayang ang dahtung na ibabayad sa kaniya kung di niya tatanggapin, ‘no! Sabi nga nila, strike while the iron is hot. Bongga ang Snowcaps na iyan, pero normally babae nga lang ang mahilig sa ganyan.
Pag lalaki ay automatic nang kukuwestiyunin ang gender. Pero hindi naman siguro kasali si Alden sa dapat pagdudahan kasi lalaki naman siyang tunay, right?” depensa ng isang writer-friend namin.
Still on Alden, hindi ko kasi inabot ang question and answer portion ng presscon kung saan ay tinanong daw ito kung totoo yung balitang kumakalat na merong isang pulitikong kinukuha sila ni Maine Mendoza para ma-endorse ito kapalit ng P100 million?
Ang sagot daw ni Alden ay tumataginting na NO at kahit bayaran pa raw siya ng P200 million ay hindi siya mag-eendorso ng politician. Happy na raw siya sa kaniyang showbiz career kung saan ay kumikita naman siya nang maayos.
Natawa raw nang palihim ang ilang reporters na dumalo. “Echosero! Huwag na sana siyang magpakaplastik. Sinong nasa matinong pag-iisip ang hindi tatanggap sa P100 million kapalit ng pag-eendorso sa isang kandidato? Sabihin na lang niya kasing bawal sa kanila ang mag-endorse, hindi yung may ganyan pang paeklat.
“Mauunawaan naman namin kung pinagbabawalan silang mag-endorse ng Eat Bulaga pero ang sabihin pa niyang kahit bayaran siya ng P200 million ay hindi siya papayag, isang mala-king kaechosan na ‘yun!
Mamatey?” ang buwisit na buwisit na reaksiyon ng isang kaibigang nagkuwento sa amin. I agree with the writer. Pa-cute lang ni Alden iyan pero sa totoo, kahit siguro P20 million ay susunggaban niya kung hindi lang bawal. SERA to the highest level, di ba? Ha-hahaha!
No comments:
Post a Comment