Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Tuesday, November 3, 2015

Alden Richards and Maine Mendoza 'First Beso' Caught on Camera

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina Alden Richards at Maine Mendoza habang nagbe-beso.
Big deal ito para sa AlDub Nation, o hukbo ng mga tagahanga ng tambalan nina Alden at Maine, dahil hindi pa sila nakitang naghalikan o nagbeso nang totohanan sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Kahit sa "Sa Tamang Panahon" concert sa Philippine Arena noong October 24 ay hanggang holding hands at yakap lang ang napanood mula sa kanila. Pero sa larawang kumakalat ngayon sa Internet ay kitang-kita na magkalapat ang mga pisngi nina Alden at Maine. Ito ang maituturing na unang beso-beso nina Alden at Maine na nahuli sa camera mula nang mabuo ang love team nila noong July 16. Walang gaanong detalye na kalakip sa nasabing larawan ngunit pinaniniwalaang kuha ito sa shooting ng kanilang unang pelikula together, ang My Bebe Love (#KiligPaMore). Pareho kasi ang mga suot nilang damit sa ilang kumalat na behind-the-scene photos ng kanilang pelikula gaya nito:



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...