Hindi kinakaila ng "Eat Bulaga!" Dabarkads at Future Mrs. Bossing na si Pauleen Luna na mula sa unang araw na napanood niya ang tambalanag AlDub ay humanga na siya rito at tinutukan niya na talaga ang Kalyeserye.
Aniya, “I was always a fan of AlDub. Parang Day 1 [July 16, 2015] absent ako, e. Day 2 pa lang, naging fan na talaga ako ng AlDub.”
Ikinuwento rin ni Pauleen ang naging karanasan niya sa “Tamang Panahon” concert ng AlDub sa Eat Bulaga! noong Sabado, October 24, sa Philippine Arena.
“Nung Sabado, hindi ko kinonsider na parte ako ng show. Umupo ako dun at nag-enjoy talaga ako as a fan. As in, the entire time, ang mga tao nasa dressing room, ako nasa harap. Nakaupo ako sa sahig. In-enjoy ko siya, nakiiyak ako, nakitawa ako. Kasi minsan lang ‘to mangyayari, e. So, might as well enjoy it nang buong-buo.”
“Kasi puwede ko naman mapanood sa loob, sa monitor, pero hindi, gusto ko talaga marinig at maramdaman ang mga tili ng mga tao. Gusto ko makitili, makiiyak, makitawa.”
Dagdag pa ni Pauleen, “We’re so proud of AlDub and the three lolas [Wally Bayola, Jose Manalo, and Paolo Ballesteros]. Kasi, parang umangat talaga yung Kalyeserye portion, e… Hindi lang siya nakilala sa Philippines, pati sa ibang bansa.”
“Even executives from Twitter, pumunta sila dito sa Pilipinas, nanonood sila. They wanna check out kung ano ba talaga yung kaguluhang ito. Bakit ang daming tweets about AlDub. The fact na nakakakuha tayo ng atensiyon sa hindi natin kalahi, ang sarap ng pakiramdam. Kami, we’re very proud of them.”
HUMBLE MAINE. Ang isa pang ikinatutuwa nila nang husto sa sikat na loveteam, lalo na kay Maine, wala raw nabago at ganun pa rin daw na mahiyain at tahimik lang.
Hindi raw ito aware na sobra na siyang sikat.
Sabi ni Pauleen, “Hindi siya aware sa mga nangyayari. Hindi siya aware sa level ng popularity niya, which I would like to believe is a very good thing, that would keep her grounded. Nakakaaliw lang kasi ang layo na ng narating niya, but she’s not even aware of it.”
Kaya nandiyan daw ang suporta nila kay Maine at willing si Pauleen na umalalay para lalong mahasa ang hosting skills ng 20-anyos na Bulakenya.
“Masasanay din siya for sure. Kasi halos lahat naman kami, nung nagsimula sa Eat Bulaga, hindi naman talaga ganun kahasa, e. But eventually, you’ll get the hang of it.”
“At one thing is for sure, ang mga tao sa Eat Bulaga, magaling mag-alalay, magaling sumuporta, at tumutulong. Kasi wala namang kumpitensiya sa amin, e. Lahat kami tulungan. Kaya eventually, masasanay din si Maine, and I’m very confident,” pahayag ni Pauleen
No comments:
Post a Comment