Totoo ang ginawang pagkukumpara ng aming mga kaibigan sa laban ni Manny Pacquiao at sa matinding tagumpay ng Eat Bulaga…Tamang Panahon nu’ng nakaraang Sabado. Walang gaanong sasakyan sa mga kalye, walang ingay sa kalsada, pero may mga nagtitilian at kinikilig sa kani-kanyang tahanan. Pagtatapat ni Von, anak-anakang naming tagapamuno sa isang departamento ng Wilcon, “Nu’ng mismong tanghali ng Sabado hanggang mga alas kuwatro, walang gaanong tao sa amin. Madalang talaga, samantalang peak day namin ang Sabado. “Nagdagsaan ang mga shoppers nu’ng mga alas singko na, kasi pala, e, nanood muna sila ng kalyeserye. Talagang AlDub pa rin ang pinagkukuwentuhan nila, kinikilig pa nga ang iba, talagang napakalakas ng AlDub ngayon,” pag-amin ni Von. Si Louie Tolentino, isang magaling na pintor, ay may maliit na tindahan. Bandang ala una ay nag-text ito sa amin, “’Nay, ano ba ito, walang bumibili sa tindahan namin! Sigurado, nanonood sila ng Tamang Panahon. Okey lang, nakatutok din naman kami sa Eat Bulaga!” Marami pang ibang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa pansamantalang paghinto ng mundo ng mga kababayan natin nang ganapin ang noontime show sa Philippine Arena. Pinaghandaan talaga ng mga Pinoy ang pagdating ng tamang panahon para kina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub). Phenomenal. Hindi nangyayari ang ganito nang madalas. Paminsan-minsan lang.
Pages
Thursday, October 29, 2015
Mga Negosyante Apektado na rin ng AlDub fever…Pero Walang Reklamo

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment