Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Wednesday, October 28, 2015

Bashers ng AlDub butata, napahiya sa maling hula sa relasyong Alden-Yaya

Sinadya naming hindi palampasin ang unang episode ng kalyeserye ngayong nagsasalita na si Maine Mendoza, ngayong pinayagan na silang magyakapan ni Alden Richards, ngayong hindi na nila pinadadaan ang kanilang emosyon sa fan sign.
May mga nagkokomento kasi, lalo na ang mga kumakalaban sa AlDub, na hihina na ang karisma sa publiko ng loveteam dahil wala na raw aabangan pa sa kanila.
Pero maling-mali sila, parang mas tumindi pa nga ang kilig at pagkagusto sa kanila ng manonood dahil malinaw na ang kanilang komunikasyon, nasasabi na nina Alden at Maine Mendoza nang lantaran at diretso ang kanilang nararamdaman.
Halatang-halata na nahihiya pa nu’ng una si Yaya Dub sa pagho-host, tawa siya nang tawa, idinadaan na lang niya sa katatawa ang paninibago niya nga-yong isa na siya sa mga co-hosts ng Eat Bulaga.
Ang dami-daming kinikilig sa kanila ngayon ni Alden, isang kaibigan naming becki ang huminto muna sa pananghalian para lang magkomento, “Mas nakakakilig pa sila ngayon dahil nagsasalita na si Yaya Dub! Dati kasi, puro dub-smash at fan sign lang sila.
Ngayon, deretsahan na!”  Sabi nga ni Lola Nidora ay hindi matitigil ang kalyeserye, tuluy-tuloy lang ang palabas na minahal nang todo ng ating mga kababayan, isa pa ay kailangan pa munang makita ni Lola Nidora ang kanyang apo kina Alden at Maine.
Regine!!!! Whooooh!!!!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...