Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Friday, October 30, 2015

Alden to Maine on their 15th weeksary: 'Sana magtuloy-tuloy na ito sa forever'

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkasamang ipinagdiwang nina Alden at Yaya Dub ang kanilang weeksary sa iisang venue.

Ngayong 15th weeksary ng phenomenal AlDub Loveteam, nagpunta ang Pambansang Bae sa barangay kung saan naroon din sina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora upang sorpresahin ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart.

Dala ni Alden ang mga bulaklak para kay Yaya at sa mga Lola, at hindi rin pinalampas ng AlDub ang pagkakataon na mag-Dubsmash muli nang live at walang split-screen.

Ngunit ang pinakakinakiligan ng AlDub Nation at Eat Bulaga Dabarkads ngayong araw ay ang taos-pusong mensahe ng dalawa sa isa’t isa.

Matapos maglaro ng bato-bato-pik ang dalawa, nanalo si Alden at naunang magbigay ng kaniyang mensahe kay Maine.

Aniya, “Maine, happy 15th weeksary. Sana magtuloy-tuloy pa.”

Sagot naman ni Maine, “Alden, happy 15th weeksary. Thank you sa surprise. Na-surprise talaga ako. Sana magtuloy-tuloy na ito.”

“Nagulat ako na nandito ka at happy ako. Sana magtagal pa ang AlDub, magtagal pa tayo,” dagdag pa ng dalaga.

Nang tanungin naman sila ni Lola Tinidora kung ano ang gagawin nila sakaling may magbago man sa pagitan nilang dalawa, sagot ni Alden, “Lahat magbabago, pero hindi kami.”

Pabirong sabi naman ng Eat Bulaga host na si Joey de Leon, nararapat daw na ang tanging magbago lang sa AlDub ay ang apelyido ni Maine.

Nang pinapili ng Eat Bulaga Dabarkads ang dalaga kung ano ang mas gusto niyang apelyido-- Richards o Faulkerson (ang totoong apelyido ni Alden)-- ang sagot ng dalaga, “Kung ano pong mas bagay... Siyempre, 'yung totoo.”

Bukod sa nakakakilig na weeksary date ng AlDub sa barangay, isa pang magandang balita ang natanggap ni Lola Nidora, Tidora, at Tinidora ngayong Huwebes.

Matapos mahanap ni Alden ang susi ng Bahay ni Lola, natagpuan naman ang lumang larawan ng lola ng mga Lola, at doon nakasulat ang kanilang hinahanap.

“1886 Kababalaghan St., Brgy. Pugot Ulo, Pangmayamang Subdivision” ang address ng Bahay ni Lola, kung saan kailangang pumunta nina Lola Nidora, Tidora, Tinidira, Yaya Dub, at Alden ngayong Sabado upang malaman nila ang tunay na kahulugan ng wagas na pag-ibig, ayon na rin sa mga nakasulat sa diary ng ina ng mga Lola. Watch 15th Weeksary Recap

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...