Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Friday, October 30, 2015

Alden Richards on Maine Mendoza: "Totoo siyang tao. Hindi fake. Hindi siya showbiz."

Ibinahagi ni Alden Richards sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naramdaman niya sa malaking taumpay ng “Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena noong Sabado, October 24. Noong araw ring iyon naganap ang pagtatagpo at paglalapit nina Alden at Maine Mendoza. Napuno ang 55,000-seater na Philippine Arena. Ayon kay Alden, “Kasi po, pagpasok ko po ng Arena, nakatalikod po ako, e… “Kasi, kung nakita niyo po, galing po ako sa entrance, so naririnig ko lang po ang sigawan ng tao. “The moment po na humarap na ako, puno yung first, second chairs ng Arena... "Parang, 'Totoo ba ‘to? Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?' “So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena. Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki. “Ipinagpapasalamat ko na lang po talaga sa Diyos ang lahat ng dumarating.” GETTING TO KNOW MAINE. Noong Sabado rin ay nagkaroon ng pagkakataong magkita, magkayap, at magkausap sina Alden at Maine. Nasundan ito ng pictorial nila ng My Bebe Love sa studio ni Edward dela Cuesta noong Lunes, October 26. At kahapon, October 29, ay muli silang nagkita para sa 15th weeksary nila sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Kumusta na sila ni Maine ngayon? Nakangiting tugon ni Alden, “Nagkakausap na po kami. “And I’m starting to get to know her more and, I think, it’s gonna be… “Masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, e. Hindi fake. Hindi siya showbiz.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...