Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Wednesday, October 28, 2015

AlDub, Magtatagal Pa, Ayon Sa Sociologist! OFWs ang nagpalakas sa AlDub!

Ayon sa isang sociologist at pop culture expert na si Prof. Mike Labayondoy, isang cultural phenomenon nga ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub kaya naman tatagal pa ito sa telebisyon.

“Makikita mo ‘yung mga mahahalagang elementong pinagsama-sama. Halimbawa, ‘yung mga dating sikat na ay na-pick up din ng pa­labas, tulad ng popular music.

“Kung isa kang foreigner, hindi mo kailangang maintindihan ‘yung nangyayari, you just have to feel the music and makaka-relate ka na.
“Recently, nag-transition sila into quoting popular movie lines like ‘This must be love.’ The population can easily relate to that,” sey pa ni Labayondoy.

Maraming elements nga raw sa kalyeserye ang laman ngayon sa local pop culture.

“Nariyan din ‘yung mga dati pang elemento at simbolo at senyales na popular, tulad ng pabebe wave, and Dora the Explorer.

“Lahat ng pangalan ng mga lola ay hango sa pangalan ni Dora, which is very famous among young ones.”

Ang social media nga ang naging mala­king dahilan kung bakit lumaki into sa isang “nation” ang mga AlDub fans.
Kabilang na rito ang mga OFWs na malayo sa kanilang mga pamilya pero tinuring na nilang pamilya ang mga characters ng kalyeserye dahil sa pinapakita nitong traditional values and family relations.
Maging ang pag-arte ng mga characters ay naturang na natural kaya magaan itong panoorin.
“The natural acting and a dash of spontaneity in every episode since Day 1 has added the charm of practicality and being customary and conventional, which gives off the light and comforting feeling of being right at home with your extended family.
“The show reminds the younger generation of the values they have almost forgotten because of how fast-paced their lives have gone.
“Bahagi ng millennial generation ay nasa labas at mahilig sa Internet at anomang digital.
“Malaking tema ang ‘yung kinship, family relations and ties. Across class and age, talagang puwede silang maka-relate.

Other than being popular, ‘yun ang mas mahalagang bahagi ng show — ‘yung tungkol sa pa­milya.

“Napaka-practical din ng mga karakter. In fact, nagde-depart ito sa traditional, o iyong napaka-rigid ng characterization, nakakahon, o expected mo na. Ito hindi. May debate pa nga among characters.

“Mas liberal ‘yung ibang lola, si Lola Nidora naman ay mas conservative. Para ka lang nasa bahay. Makikita mo na ‘yung sagutan ay napaka-practical, para ka lang nasa bahay.”

Kaya isang malaking check ang success ng kalyeserye na officially ay nakakuha ng 41 million tweets para sa hashtag na #AlDubEBTamangPanahon noong October 26.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...