Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Saturday, October 24, 2015

Alden at Maine, may first hug pero no kiss sa 'EB: Sa Tamang Panahon'

Dumating na ang tamang panahon para mayakap at mapasalamatan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza ang isa't isa dahil sa pagiging matagumpay ng kanilang tambalan sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Sa special show na "Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon" nitong Sabado, dumating si Yaya Dub sa establado ng Philippine Arena na nakasabit sa jeep.







Samantala, naka-kotse naman si Alden at may bitbit na kahon na puno ng rosas at ang kabiyak na glass sandal na naiwan noon ni Yaya Dub sa studio ng Eat Bulaga.


Tulad ng maraming AlDub supporters, sinabi ni Alden kay Yaya Dub na matagal na niyang hinintay ang pagsapit ng tamang panahon na malaya silang magkaharap at mapasalamatan ang dalaga na sinabihan niyang, "God gave me you."


Ayon naman kay Yaya Dub, "Ipinagdasal ko talaga 'tong araw na 'to. Ganun din naman ang sasabihin ko sa'yo, God gave me you."


Bagaman madalas makitang nagki-kiss sila via split screen at kahit binigyan ng laya at ipinaubaya ni Lola Nidora sa dalawa ang pasya kung magki-kiss sila in person sa naturang espesyal na okasyon, mas pinili nila na panatilihin ang bilin ng matanda.
Sa pagtatapos ng programa, may pagkakataon pa na tila binibiro ni Joey de Leon si Alden na i-kiss si Yaya Dub habang naka-freeze ang lahat.


Nakuha na rin ni Lola Nidora ang secret diary at magpapatuloy ang bagong kabanata sa sinusubaybayang kalyeserye.







No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...