Recommended Sites

Shop Now

Lazada Philippines

Pages

Monday, November 2, 2015

Hanggang Sementeryo Di Paaawat Ang AlDub

Undas ngayon. Syempre naglaan na tayo ng kani-kanyang panahon para sa pag-alala sa mga mahal natin sa buhay na yumao na. Taimtim na dasal, pagtutulos ng kandila at pag-aalay ng mga bulaklak, ‘yun ang kulturang nakaugalian na natin sa pag-alala sa mga nauna nang pumanaw nating mga mahal sa buhay.

Nauna na kami kahapon sa pagdalaw sa aming mga magulang sa Eternal Gardens. Mahirap makipagsiksikan ngayong November 1, matindi ang trapik, nagmimistulang karnabal ang mga sementeryo sa dami ng mga dumadalaw.

Ibang-iba na talaga ang Undas ngayon. Parang concert scene na ang sementeryo, kanya-kanyang dala ng sounds ang mga kababayan natin, parang may party rin sa dami ng dala-dala nilang mga pagkain.

Pero sa anumang paraan ipinakikita ang pag-alala ay positibo pa rin. Hindi pa rin kinukupasan ng panahon ang masarap nating pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na namayapa na.

Lagi natin silang binibigyan ng panahon, ibang-iba ang lahing Pinoy, hindi ‘yun maaagaw sa atin kailanman. Kahapon ay may kaibigan kaming nangulit sa telepono, “Kapatid, alam mo ba kung saan nakalibing ang mommy ni Alden Richards? Ito kasing mga alaga kong becki, gusto raw makitulos ng kandila sa mommy niya!”

Sagot nami’y taga-Laguna ang pamilya ni Alden pero hindi namin alam kung saan nakahimlay ang kanyang dakilang ina. May bilin pa ang aming kaibigan, “Sana, malaman ko lang. Ang mga becki, ayaw akong tantanan!”

Isa lang ang naisip namin, ibang klase na nga ang kasikatan ni Alden, hanggang sa kanyang pribadong panahon ay gusto pa rin siyang maka-selfie ng  ating mga kababayan.

Hanggang sa sementeryo, may AlDub pa rin, talaga rin naman!

May sumisira kay Alden Richards sa internet, mga litrato pineke

May sumisira kay Alden Richards sa internet, mga litrato pineke

May kumakalat na malisyosong photos si Alden Richards sa social media.

Sa dalawang photos na aming nakita mula sa isang website, ‘yung isa ay mukhang straight siya at ‘yung isa naman ay parang very soft siya habang nakaupo.

“Me in public vs. me with friends,” ang caption na nakalagay sa photos. With this, parang sinasabi ng nagpakalat na merong other side si Alden, ‘yung gay side.

Mukhang photoshopped naman ang photo ni Alden where he looks gay. Halatang-halata na pineke ito.
Sino kaya ang nagpakalat ng photos na ‘yun? At bakit niya ginagawa ito?

Para sirain ang image ni Alden? O para magpapansin lang kay Alden? Mag-react kaya si Alden tungkol dito o hahayaan na lang niya ang mga taong naninira sa kanya?

Siguradong magre-react na naman ang AlDub fans sa isyung ito.

Sunday, November 1, 2015

TAHASANG dinenay ni Alden Richards ang napabalitang P100 million offer sa kanila ni Maine Mendoza

TAHASANG dinenay ni Alden Richards ang napabalitang P100 million offer sa kanila ni Maine Mendoza para mag-endorse ng pulitiko o grupo ng mga pulitiko sa 2016 elections.
“Hindi po totoo yun,” sey nito during the presscon of Snowcaps, ang latest product endorsement niya. Kaya naman bilang kami ang nagsulat ng naturang “P100 million item” kapatid na Ervin, agad kaming tumawag sa aming sources, at sabi ng isang nakausap namin, “Hindi na naman talaga niya malalaman pa dahil sa umpisa pa lang ng alok, eh tsugi na agad,” ang natatawang sey ng kausap namin. Yes, pinatotohanan ng ating source na mayroong mga “emisaryo” ang ilang mga pulitiko at partidong politikal na nagtangkang alukin ang AlDub para iendorso sila sa 2016 national elections.
At gaya nga ng ating naibalita, sa umpisa pa lang ay tsinugi na ito ng management nina Alden dahil as per their ruling, “no political endorsement for AlDub.” “Kaya sana bago sinagot ni Alden na hindi yun totoo, sana nagtanong muna siya dahil totoong merong alok sa kanila ni Maine. Baka hindi na lang niya nalaman dahil ang mabilis na sagot sa unang pagtatangka na kunin siya ay negative agad,” sey pa ng kausap namin. Kung mayroon man kaming hinangaan uli sa binata na sinasabing hottest male star ng bansa ngayon ay ang pagsagot niya ng diretso na kahit pa umabot ng P200 million ang offer sa kanya ay never siyang mangangampanya para sa mga politiko.
“Dito na lang po ako magpo-focus sa showbiz,” hirit pa nito

Alden mas lumalim ang pagkakilala kay Maine: Totoo siyang tao, hindi siya fake!

INAMIN ni Alden Richards na mas lumalim pa ngayon ang relasyon nila ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub simula nang magkita at magkausap nang matagal sa Tamang Panahon Fans Day ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Ayon sa Pambansang Bae mas marami silang oras ngayon para mas makilala ang isa’t isa dahil sa kaliwa’t kanang proyektong ginagawa nila nang magkasama.

Matapos mabigyan ng pagkakataon sina Alden at Yaya Dub na muling magkita sa Philippine Arena na may bonus pang yakapan at iyakan, nagsunud-sunod na ang kanilang pagkikita nang personal lalo na ngayong nagsimula na ang pictorial at shooting ng kanilang 2015 MMFF entry na “My Bebe Love” kasama sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

Bukod pa riyan, halos araw-araw na rin silang magkasama ni Maine sa Eat Bulaga, ang huli nga ay sa 15th weeksary nila sa Kalyeserye at sa Holloween episode ng noontime show kahapon.

Sa isang showbiz event, natanong si Alden kung kumusta na sila ni Maine? “Nagkakausap na po kami. And I’m starting to get to know her more and, I think, it’s gonna be…masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, e.

Hindi fake. Hindi siya showbiz. “Siguro, that’s what’s lacking in our industry now, yung mga tao na hindi masyadong showbiz. So, si Maine, hindi siya ganun. Kaya I always look forward to working with her,” pahayag ng binata.

Hirit pa ni Alden, nu’ng Biyernes na sila nagsimulang mag-shoot ni Yaya Dub para sa kanilang MMFF entry at looking forward siya sa mga kuwela at nakakatuwang eksena nila ni Maine.

Samantala, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagsi-sink in kay Alden ang tinamong tagumpay ng “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga na nangwasak sa ilang world record.

“Kasi po, pagpasok ko po ng Arena, nakatalikod po ako, e…kasi, kung nakita niyo po, galing po ako sa entrance, so naririnig ko lang po ang sigawan ng tao. “The moment po na humarap na ako, puno yung first, second chairs ng Arena…na parang, ’Totoo ba ‘to?

Kami ba talaga ni Maine ang pinuntahan ng mga tao dito? Pinuntahan ba talaga kami ng mga tao for Eat Bulaga?’ “So, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin yung nangyari sa Arena.

Ang hirap-hirap i-take in sa sobrang laki. Ipinagpapasalamat ko na lang po talaga sa Diyos ang lahat ng dumarating,” pagtatapos ng Kapuso superstar.

Kahapon naman sa pagpapatuloy ng kalyeserye, halos mahimatay na naman sa sobrang kilig ang viewers dahil sa mga eksena kung saan tila nagpo-propose na si Alden kay Yaya Dub.

Nagtagumpay ang AlDub kasama sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa pagkuha sa jewelry box na nasa bahay ng kanilang lola na matagal nang patay.

Holloween special ito ng kalyeserye kaya may halong katatakutan at kababalaghan. Pinasok ng tatlong lola at nina Yaya at Alden ang loob ng sinasabing haunted house para hanapin ang mahiwagang jewelry box tulad ng nakasulat sa diary ni Lola Nidora.

Habang nasa loob ng bahay, sinaniban sila isa’t isa ng mga ligaw na kaluluwa. At dahil sa ipinakitang katapangan ng lahat, nagawa pa rin nilang ipagpatuloy ang paghahanap sa jewelry box na hindi nagtagal ay nakuha rin ni Alden.

Paglabas ng haunted house binuksan ang jewelry box at doon natagpuan ang isang sulat. Nakasaad dito na kung sino ang nakakita at may hawak ng sulat na iyon, siya rin ang magmamay-ari ng singsing na naroon din sa jewelry box.

Kailangan daw ibigay ang singsing na iyon sa taong nais niyang pag-alayan ng wagas na pag-ibig.
Kinuha ni Alden ang singsing at lumuhod sa harap ni Maine. Ibibigay na sana niya ang ring kay Yaya ngunit tumunog na ang mahiwagang busina.

Matuloy kaya ang pagbibigay ni Alden ng singsing kay Yaya? O bigla na namang may haharang at magkokontrabida? Yan ang abangan sa Lunes.

Alden, Bukas Sa Posibilidad Na Magkatuluyan Sila Ni Maine


Matapos aminin na lalo silang naging close ni Maine "Yaya Dub" Mendoza matapos ang "Sa Tamang Panahon" show ng Eat Bulaga, sinabi naman ngayon ni Alden Richards na hindi niya inaalis ang posibilidad na mauwi sa totohanan ang pagtitinginan nila ng dalaga sa kalyerserye.

Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng Kapuso heartthrob na lalo niyang nakikilala ngayon si Maine dahil pinayagan na silang makapag-usap.

Ayon kay Alden, mas palagay na ang loob nila ni Maine at madalas nilang pag-usapan ang mga personal na bagay para makilala nang mabuti ang isa't isa.

"As in getting to know, ano ba ang favorite na ganito ko? Like friends. Ang nakakatuwa kasi para akong ini-interview sa slambook parang ganoon, na-e-enjoy ko yung every moment after 'Tamang Panahon,'" anang binata.

Kasabay ng sweetness nila sa kalyeserye bilang love team, nagiging totoong magkaibigan daw sila ni Maine sa tunay na buhay.

Ang maganda pa raw, walang nagpi-pressure sa kanila na totohananin ang lahat, at sa halip ay ini-enjoy nila ang bawat sandali.

Pero sa totoo lang umano, lahat naman daw ay mayroon posibilidad.

"Hindi ko po sinasarahan yung pinto ko po sa chance na madevelop o magkaroon ng something serious out of that. Will see po," ani Alden.

Sa hiwalay na taped interview ng CelebriTV, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit naging mahigpit ang sakap niya kay Maine sa "Tamang Panahon"  show.

Ayon kay Alden, dala iyon ng labis na pasasalamat niya kay Maine dahil sa hindi siya pinabayaan nito at dahil sa pagtutulungan nila.

Saturday, October 31, 2015

Alden, Mistulang Nag-Propose Kay Maine Sa Kalyeserye


Gaya ng pangako ni Alden, sinamahan niya si Maine aka Yaya Dub, at sina lola Nidora, Tidora at Tinidora para puntahan ang lumang bahay ng kanilang lola. Pakay nilang makita ang jewelry box na naglalaman ng mensahe at singsing na magiging daan sa forever ng AlDub. Sa labas pa lang, halos hindi na mapaghiwalay sina Alden at Maine, at nahuli pang magkayakap sa loob ng bahay nang mamatay ang ilaw. Nagpasalin-salin din kina Alden, Yaya Dub at mga lola ang kaluluwa ng lola ng mga lola. Sa huli, nakita nila ang jewelry box at kaagad na lumabas ang grupo. Habang binabasa ni Alden ang mensahe na nasa loob ng jewelry box, kitang-kita ang mga pagsulyap ni Maine sa binata., at nagpapa-"menggay" pa Kaya naman dapat subaybayan sa susunod na linggo kung maisusuot ni Maine ang singsing, o kung may magiging hadlang pa sa tinatawag na "road to forever" para sa AlDub.

Alden Walang Ieendorsong Presidentiable Kahit bayaran ng P200-M; Album Platinum Na



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...